Thursday, August 09, 2007

Babala: Mahirap siguro intindihin ang mga sasabihin ko dito.. pero, hayaan niyong ilabas ko muna ang mga hinala ko sa ating bagong kaibigan --> ^^,

Sa aking nabasa, klaro ang pagkasabi niya na ang tao o sino pa man ang tinutukoy niya ay isang rebelde.'Di kaya na wala talaga siyang nabanggit tungkol sa atin at kusa lang niyang isinalaysay ang kanyang mga hinanakit o pagdurusa sa mundo (o sa buhay niya noong hayskul pa siya)?

Ibinanggit rin niya na isa siyang tagahanga ng C-A-B-O. Kung pagsasamahin niyo ang kaisipan ng isinulat ko sa aking unang talata, maitatanong niyong: 'di kaya ay nagustohan niya ang ating pagsasamahan dahil hindi niya ito naranasan noong siya'y hayskul pa lamang?

Siguro nga ang misteryosong (^^,) ay naghahanap lamang ng makakausap o di kaya'y nagpapapansin. Hindi niyo ba naantala? Kung SARILI niya nga ang itinutukoy niya sa kanyang isinulat, at nasabi niyang nagbago na ang lahat maliban na lang sa kanya, hindi ba't kaawa-awa ang kanyang sitwasyon dahil siya ay napag-iwanan na ng mga taong naging kasabay niya sa paglalakbay?


[ Akong pasabot bah... ABOUT sa iyaha ang post, dili about sa ato. mao nah! hahaha. ka bibo gud ui... (= ]

No comments: