Tuesday, December 30, 2008

Cge na nga updates...

hello guys! pasenxa na kung walang pictures 'tong post ko na to. Nanakawin ko lang din naman sa multiply ng ibang tao kung maglalagay ako eh. ;)

so...where should I start?hmmmm

FAMILY

Sige, umpisahan ko na lang sa pag-announce na hindi na sa CDO nakatira family ko. Lumipat na yung parents ko to Mindoro at kuya ko na lang ang naiwan dyan. Having said that fact, it's quite obvious that i won't be able to visit Cagayan for a very very very very long time. Siguro ang next time na uuwi ako is if may ikakasal na sa inyo! haha...the race is on! Sobrang unstable na kasi ang financial status namin, which is ofcourse a euphemism for "We're broke." hehe. Basically our family income is ZERO as of the moment and umaasa na lang kami sa binibigay ng mga kamag-anak na medyo umiinit na rin ang ulo. Nung nagkaroon nga ng family meeting dito mga two weeks ago, napagusapan din na pwede na kaming magtrabaho ng kuya ko para makatulong. Ofcourse sinabi ko sa kanila na willing naman ako pero sa kaloob-looban ko ayaw ko talaga dahil alam ko na rin kung gaano kahirap magtrabaho 'cause I've tried working in a call center about two years ago while attending classes and SOBRANG HIRAP NIYA! Stopping school would also not be a favorable option kasi lalo lang kaming maaagrabyado kung madedelay graduation ko. At least my brother is going to graduate this semester so sana makahanap na siya ng trabaho, though that would mean he'll have to delay taking the board exam. Oh well, sakripisyo na lang muna and i promise that i would make it up to him in the future.

SCHOOL

Nothing really exciting to share about school. Ayun, kahit ilang beses na akong muntik matanggal sa course ko nandito pa rin ako at kumakapit (nang mahigpit na mahigpit). Ngayon na dumadami na ang major subjects, pinipilit ko na lang yung sarili ko na maaliw sa philo at theo. Puro projects kasi yung main output ng mga business subjects ko ngayon kaya ang hassle sobra, puro meetings nga kahit christmas break. Oh well, three sems na lang din naman (actually two kasi halos wala na halos ginagawa sa last sem ng course ko hehe), let's face this until the bitter (although sana hindi bitter)end! Goodluck nga pala sa ating lahat na mag-o-OJT this summer!

LUUUURVE

Ayan na!!! WEEEEOOOOOOWEEOEOEOWEOOOOOHH! At least from ZERO siguro naging mga 20% naman ang lovelife ko. haha. Oh well, years after graduating from highschool, hanggang crush2x pa lang din ako ngayon. At gaya ng dati, clueless pa rin ako kung ano gagawin. Nakokosensya nga ako 'pag iniisip ko ang buhay-pagibig kasi ang dami dami pang ibang dapat problemahin. Issue din kasi ang pera dito eh, I'm having a tough time budgeting and people like Jomi and Richie have been helping me a lot recently so ang pangit tingnan na may nililigawan ako (or if ever, GF) tapos panay hingi naman ako ng pera sa ibang tao. So yun, I've decided not to do anything na lang muna. Ang tawag nga diyan ni Tita Bernita ay "Ligaw Tingin, Halik Hangin." Malay natin manalo ako sa lotto ng Reader's digest. hehe. Kaya ayan kinukuntento ko na lang muna sarili ko sa konting usap2x at mga hi at hello...ASUS! Minsan nga ang saya2x kasi pareho kaming maaga pumunta for philo class so nagkaroon naman kami ng konting bonding time. Kaso biglang sumulpot si Chieney at nakisali! Panira! Hahaha peace chien! Ayan ha, alam mo na kung sino!

OK OK, ayan muna as of now! Post din kayo ha!

Happy new year! I love you all!

No comments: